Nang mapahiwalay siya sa akin
Buong akala, ako’y magiging malungkutin
Mabuti na lang at ‘di iyon nangyari
Pagka’t hindi ko kayang maging “lonely”.
Dumating sila sa tamang panahon
Sa oras na ako’y nangangailangan ng atensyon
Naging parte na sila nitong daigdig ko
Maraming salamat sa pagiging bahagi ng buhay ko.
Ngayon kaya ko nang maging masaya
Kahit wala siya at ‘di ko laging nakakasama
Kaya ko na ring magpakaligaya nang husto
Kahit pa iniwan niyang wasak itong puso ko.
“Second bestfriends” na ang turing ko sa kanila
Hindi bilang panakip sa pagkukulang niya
Sila ang aking closest friends na higit pa sa “very good”
Wala na ngang iba kundi ang aking mga dude.
…