(Posted originally somewhere else at same date; edited.)
Madaling araw na, gising pa ‘ko. Iilan lang ang nakakaalam kung bakit.
Bigla kong naisipan magsulat. Medyo katulad lang rin ng rason nung isang nabasa kong Facebook note kanina. Pero magkaiba kami. Nung tumatagal na kasi nagkakaron na ng sense yung mga sinasabi nya. Itong sa ‘kin baka matapos lang nang puro ganito.
Kaya payo ko sa’yo, wag mo nang ituloy ang pagbabasa para hindi masayang ang oras mo. Maliban na lang kung interesado ka sa mga iniisip ko.
Ano nga bang iniisip ko? Meron nga ba? Siguro.
Gusto ko sanang sabihing iniisip ko siya. Kung naaalala pa kaya niya ‘ko. O kng kilala pa ba niya ‘ko.
Gusto ko rin sanang sabihing iniisip ko yung isa pang siya at isa pang siya. Bale ‘sila’ na yun. Pero hindi pwede. Kasi baka mabasa niya…nila. Kahit alam kong mafflood lang naman ‘to kinaumagahan bago pa sila mag-open ng Facebook account nila. At malamang hindi naman sila nagmamarathon ng News Feed o Timeline tulad ko. At sobrang siguradong hindi naman nila iistalk ang profile ko para mahalungkat ‘to.
On second thought, pwede pala. Wala palang way para mabasa nila ‘to.
Sige.
Hindi ko iddescribe kung sino sila. Kasi baka kilala n’yo eh. Pero kung maiisip n’yo kung sino sila, wag n’yong sabihin ah. Mahirap na. Baka…lamona.
Ano kayang sasabihin ko kung kaharap ko siya ngayon?
Siguro…
Wala. Kasi ano eh. Basta. Masaya na ‘kong kasama siya. Bakit kailangan pang magsalita?
Kuntento naman na ‘kong makita ang ngiti nya. Marinig ang mga kwento at tawa niya. Makausap siya tungkol sa kung anu-ano.
Ganun lang. Ganun naman lagi. Masaya lang.
Kaso ewan ko ba. Bakit kailangan pang may mag-iba. O ako lang siguro. Paranoid lang siguro talaga ako. Hindi naman siya nag-iba eh. Ganun pa rin siya.
Minsan naiisip ko kung gugustuhin ko pa bang maulit yung araw na yun o sana hindi na lang talaga nangyari yun para chill-chill pa rin just like always. Pero siguro okay na rin. Tapos naman na.
Sa totoo lang lumipas na ‘to nung nakaraan pa. Bigla ko lang talaga uli naisip ngayon. Alam ko naman nung simula pa lang kung ano talaga. Kung hanggang saan lang. Nababaliw lang talaga ako kung minsan.
Siya kasi eh!
Siya talaga ang may kasalanan. Kung… Kung…hindi na lang kasi sana siya ganun. Bakit kasi kailangang…kailangang…nese kenye ne eng lehet neng geste ke? There. I’ve said it. Kilala n’yo na. Wag kayong maingay, please.
Siguro may ganun talaga. At tulad nga ng sabi ko sa nacompose ko lately, he will never be that one guy.
So, yeah, in the end, gusto ko na lang makakilala ng isa pang tulad nya. Except that one factor, of course. Gusto ko kapareho ko sa parteng yun.
At dyan naman pumapasok si isa pang siya. Hindi talaga ako magsasabi ng kahit ano tungkol sa kanya kasi sobrang hinding-hinding-hinding-hindi pwede. Kung mapapalagpas ‘to nung unang siya, itong pangalawa baka hindi. Kaya ‘wag na lang.
Mabuti pa putulin ko na ‘to habang maaga pa (yes, it’s 2AM…very early). Sana hindi ka umabot hanggang sa part na ito. 😉
At oo, mula ngayon, ito na ang online diary ko…siguro.
…